Sunday, November 24, 2013

Tulang Pag-ibig

Hindi ko inakala
Na tayo ay magkakakilala
Sa simpleng tingin sa Fb
Ang puso ko'y nabighani

Di ko alam kung paano
Tumibok ang nawawalang puso
Sa daigdig ng aking pagluksa't pagkapaso
Nandyan ka, oh, giliw ko

Nang tayo'y nagkakilala
Buhay ko'y puno ng ligaya
Galing lubog, ngayo'y umangat na
Ang ngiti kong pagsinta

Nawala man ang puso ko
Ibinalik at ginising mo ito
Sa simpleng chat at tingin lamang
Napapa.ELAIve you na ako

Hindi ko mawari
Kung papaano ito nangyari
Iniisip ka gabi-gabi
Hanggang sa makatulog ng nakangiti

Hiling ko sa iyo lamang
Ang pagtitiwala't pagpapahalaga
Na iaalay ko rin sayo
Nang buong puso't buhay ko

Sana rin ay magkita
Landas nating dalawa ng tadhana
Di man tuluyang kilala ang isa't isa
Alam ko'y puso ang magdidikta

Galing ako sa pamilya ng mga guro
Magulang, lolo't lola, tita man o tito
Ngunit ikaw ang natatanging
Guro ng aking puso

Mag-ingat ka o giliw ko
Kahit papaano ay naririto lang ako
Di mo man makita ay madarama mo
Ang pagmamahal na iaalay ko sayo
Mam ko ;-)

No comments:

Post a Comment