Tuesday, November 26, 2013

Sa isang Relasyon
Mahalaga ang Komunikasyon
Dahil sa paglipas ng panahon
Puso nati'y mababaon

Possessive man kung tawagin
Pero ginagawa upang lalo kang ibigin
Di naman lahat ng oras ay dapat nating gagamitin
Kahit na ilang salita lamang upang malaman mong minamahal ka parin

Marami man tayong ginagawa
Pero pag-aalala ay di mawawala
Kung tunay ang pag-ibig nyo't diwa
Ay para lamang sa isa't isa't walang wala

Nasaysay na natin ang kahulugan ng pag-ibig
Na dapat ang dalawa ay aaksyon ng kapit-bisig
Pero di ko na malaman ang gusto mong ipinahihiwatig
Sa mga aksyon di tulad noon, nagsasabi ba itong nawala na ang pag-ibig?

Naguguluhan man pero kumakapit
Parating nag-aalala kahit walang kapalit
Palaging iniisip ang buhay mong kaakit-akit
At kahit parang may lumalayo, nandito't lumalapit

Di ko na alam kung saan tutungo
Ang pag-ibig ko sayo'y di parin humihinto
Sa kabila ng puso'y nagdurugo
Sa isang mapaglarong mundo

Nakakalungkot isipin
Online sa FB at para tatawagin
Ngunit di ko alam kung pano sasabihin
Ang pakiramdam na parang nawala ako sa paningin

Kaibigan ko'y nakakita
Pero ako'y bulag na walang wala
Pag-ibig pa bang maituturing?
Kung ako'y parang itinaboy na mauling

Hiling ko lang naman ang pagmamahal at pag uunawa
Komunikasyon at tiwala
Pero kung di mo na ako iniibig
Wag kang mahiyang sabihin ito ng buong tindig

Mas masakit ang umaasa
Sa pag-ibig na walang pag-asa
Alam kong di ka tulad ng iba
Ngunit san nga ba hahantong ang pagmamahal at pagtitiwala
Kung komunikasyon man ay walang wala

No comments:

Post a Comment