Sunday, November 24, 2013

Kalikasan

O, Inang Kalikasan, ba't ka nagkaganyan?
Kalikasang nalalaos ang taglay na kagandahan.
Tila isang damit na winasak na parang basahan
Kung kaya't ang mga puno't daho'y nag-iiyakan.

Dahil sa pagpugot ng hininga sa ating Inang Kalikasan
Ng mga taong mapagsarili sa ating lipunan.
Kayat maraming salamat sa paglalagay sa amin sa kapahamakan
Kasamaan, layuan mo na si Ina para sa aming kinabukasan.

Sana'y maging tanda ito sa ating isipan.
Kaya't kasamaan, mahalin si Inang Kalikasan
Para sa pag-aalingawngaw ng ating kinabukasan
At para sa pagdagundong ng kaunlaran sa ating bayan.

Note: Ito ay nilikha ng may akda gamit ang ibat ibang uri ng tayutay. Ang mensahe nitong dapat nating pahalagahan ang ating Inang Kalikasan! Save Nature! Save Lives! Save Mother Earth!


No comments:

Post a Comment